11/3/16

TALYER


“Ilang taon ka na ba?” ang tanong ng may-ari ng talyer na papasukan ko.

“Nineteen po.” ang tipid kong sagot. Medyo nanginginig ang boses ko nang sagutin ko ang tanong niya. Bukod kasi sa nahihiya ako ay kinakabahan din ako. Nakatakot kasi ang may-ri. malaking lalake. Matangkad ito. Taniya ko ay mga nasa anim na talampakan. Maskulado at napapalibutan ng tatoong dragon ang kanan nyang braso. Moreno ang kulay mula paa hanggang sa makintab niyang kalbong ulo.

Nahalata yata niya ang panginginig ng boses ko. “Bakit ka ba kinakabahan? Natatakot ka ba sa’kin?” ang tanong niya. Lalo ako’ng natakot dahil sa lalim ng boses niya.

“Hi-hindi po. Medyo ki-kinakabahan lang po, Sir.” ang sagot ko. Hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanya.

“Huwag mo ako’ng tawaging ‘sir’. Kuya Jimmy. ‘Yan ang tawag nila sa’kin dito.” ang sabi niya.

“Si-sige po, Kuya Jimmy.” 

“Selmo!” ang sigaw ni Kuya Jimmy na nagpagulat sa akin.

Isang lalake ang pumasok sa opisina. Gaya ng mga mekanikong nakita ko sa garahe, nakasuot rin siya ng kulay asul na overalls na walang manggas. May eded na ito na tingin ko ay nasa mahigit trenta anyos na. Hindi katangkaran pero batak na batak ang katawan. Putok na putok ang mga braso niya na nabahiran ng kakaunting grasa.

“Kuya Jimmy.” ang bati ni Selmo.

“Selmo, ito si Jonas, kapalit muna ni Monching. Mag-pinsan sila.” ang pakilala ni Kuya Jimmy sa akin.

Inabot ni Selmo ang kamay niya at tinanggap ko naman ito.

“Bigyan mo ng uniform tapos iikot mo sa talyer. Turuan mo siya ng mga gagawin.” ang utos ni Kuya Jimmy kay Selmo.

Lumabas kami ng opisina ni Kuya Jimmy at sinundan ko sa paglalakad si Selmo papuntang baracks. 

Sa baracks natutulog ang mga mga mekaniko sa talyer. Ang karamihan kasi sa kanila ay sa malayo umuuwi kaya minabuti ni Kuya Jimmy na ipatayo ang baracks para magstay-in na lang ang mga mekaniko.

May dalawang kwarto rito. Ang bawat kawarto ay may tatlong bunk beds, isang banyo at anim na lockers.

Binuksan ni Selmo ang  isang locker saka naglabas ng tatlong overalls. Katulad ng suot niya, wala rin manggas ang mga overalls.

“O, heto unimpermo mo. Araw-araw ito ang isusuot mo.” sabi niya Selmo.

Kinilatis ko ang overalls. May nakaburdang logo sa kaliwang dibdib.

“Jimmy’s Auto Shop”

“Kasya naman siguro ‘yan sa’yo. Kung hindi ilupi mo na lang. Magpalit ka na tapos i-ikot tayo sa shop.” ang utos nito sa akin.

Hinintay ko’ng lumabas si Selmo para makapagbihis ako pero nanatili lang siyang nakatayo sa harap ko.

“Bakit hindi ka pa nagbibihis?” ang tanong nito. “Nahihiya ka ba?”

“Hindi po, magbibihis na.” ang sabi ko.

Inilapag ko muna sa isang kama ang mag overalls. Matapos noon ay tumalikod ako at inumpisahang tanggalin ang t-shirt ko.

Hindi ako anay na maghubad ng damit kapag may tao, kahit na kaharap ko ay kapwa ko lalake. Nahihiya ako kasi may kapayatan ang katawan ko. Hindi katulad ng katawan ng mga mekaniko rito na batak.

Matapos kong hubarin ang mga sapatos ko ay isinunod ko naman ang pantalon ko.

Tanging ang puting briefs lang ang natira kong suot.

“Mukhang mapapalaban ka ng husto dito sa talyer, bata.” ang sabi ni Selmo.

-0-

Sira ba ang auto mo? Flat ang gulong at kailangang bombahin? Kailangan mo na bang malangisan?

Halina at magpakumpuni sa mga nakapag-iinit na mekaniko ng Jimmy's Auto Shop. 

Isang bagong kwentong tiyak na kaaabangan dito sa Kwentong Lastikoniko. 

Abangan.

7 komento:

  1. Aabangan ko po ito

    Suggestion lang po ganda niyo kasing gumawa ng story bakit di niyo po itry na mga male celebrity ang gawing bida ang sarap kasi nilang imagining na sila sila din ang nagtitirahan. Haahahaha just suggesting

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat sa suhestiyon Lila Sari. ang gusto ko kasi ay magkaroon ang bawat mambabasa ng kanya kanyang interpretasyon sa mga character ko. Ayoko na magkaroon ng fixed image ang mga readers sa mga characters ko.
      Isa pa, totoong mga tao ang mga celebrities kaya medyo dyahe kung gagamitin ko sila bilang characters.
      Gayunpaman, salamat sa pagtangkilik at sana abangan mo ang Talyer. Stay a Walastik, Lila Sari

      Burahin
    2. Okay lang po.... Pero ang inaabangan ko talaga sila Paul at Daddy Roger hahahga

      Burahin
    3. Kaabang-abang naman talaga ang kwento ni Paul at ni Daddy Roger.

      Burahin
  2. Kuya, ndi na po masundan ang storya ng mc fadden brothers..lamko dami ko request pero interesting din po kc ang kwento..para makita dinpo ang flow ng pagkikilala nila ni dave..tq and more power

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Masususndan iyon. Kaunting pasensya lang at malalaman na din natin ang kwento ng McFadden bros

      Burahin